BABALA SA MGA PILIPINONG DIUMANO'Y GINAGAMIT PANG GARANTIYA ANG PASAPORTE
Ipinapaalala ng Pasuguan ng Republika ng Pilipinas sa Kaharian ng Thailand na ang Pasaporte ay pag-aari ng Republika ng Pilipinas ayon sa Philippine Passport Law o Republic Act No. 8239. Dapat panatilihin at pahalagahan ang integridad ng pasaporte. Ang pagbabalewala sa paalalang ito, katulad ng paggamit ng pasaporte bilang garantiya sa anumang pagkakautang, ay maaring maging dahilan upang makansela ang inyong pasaporte.
Kung may mga tanong sa paalalang ito ay maari lamang makipagunayan sa telepono bilang 02-259-0139 local 127,122-124 o email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
PHILIPPINE EMBASSY
