Start Your Search Here

PASAPORTE

Ni Ms. Maria Paz Samelo

Saan mang dako ng mundo pupunta
Kailangan natin na dala-dala
Ang ating mahalagang dokumento
Pasaporte ng Pilipinas ay isa na dito
 
Isang maliit na bagay lang ito
Ngunit nasusulat ang edad at pangalan mo
Kaya bigyan mo ito ng pagpapahalaga
At hindi mo ito ipagkatiwala sa iba
 
Sa lahat ng ating mahahalagang transaksyon
Ginagamit natin ito upang magkaroon ng solusyon
Sa ating  trabaho’t negosyo sa iba’t –ibang bayan
Upang buhay ay maging mapayapa at mainam
 
Ngunit sa di maiwasang pangyayari
Bakit kailangan ibuwis mo ang iyong sarili?
Hihiram ng pera sa ahensya o kaibigan
Pasaporte mong taglay ay igarantiya o ipahihiram
 
Mayroong mga sitwasyong nangyari
Sasabihing nawala  ang pasaporte
Kukuha ng bago dahil may pagagamitan
Kaya utang ay kinalimutan at tinakbuhan
 
Kaya nagkaroon ng alitan at bulyawan
Magsasampa ng kaso dahil daw may karapatan
Ngunit nandiyan and dilat na katotohanan
Na walang pambayad ng pera sa inutangan
 

Oo nga’t kinakapos ka talaga sa pera
At ito ay para sa iyong buhay at pamilya
Ngunit kailangang mong pahalagahan
Ang integredad ng pasaporte mong tangan
 
Gumawa ka ng ibang marangal na paraan
At samahan mo ng dasal sa Diyos na makapangyarihan
Upang ang problema mo’y masolusyunan
Para  pasaporte mo ay  hindi mo nabitawan
At di ka magkaka problema sa batas at kay Inang Bayan
 
Kung sino man ang tatamaan sa tula kong ito
Ipagpaumanhin po ninyo kung magagalit kayo
Ito po ay nasa batas at talagang opinion ko
Ngunit ito ay para rin sa kapakanan ninyo

Embassy of the Philippines

760 Sukhumvit Road corner Soi Philippines (30/1)
Klongtoey, Klongtan, Bangkok 10110, Thailand

Tel No.
+662-259-0139 up to 40
Fax No +662-259-2809
           +662-259-7373
           +662-259-1789 (consular)
Email address: bangkokpe@gmail.com
Consular Section: bangkokpe@gmail.com

Thailand Weather

Mostly Cloudy

30°C

Bangkok

Mostly Cloudy
Humidity: 79%
Wind: E at 4 mph

Philippine Weather

Overcast

33°C

Manila, PHL

Overcast
Humidity: 63%
Wind: SE at 6 mph

Thailand Time

Philippine Time